Ang Ating Dugo Taglay Ang Buhay
Ang lakas ng kalamnan ay galing sa malusog na dugo. Ang malusog na dugo naman ang siyang nagdadala ng sustansya ng pagkain sa ating katawan, gaya ng proteins, fats, carbohydrates, vitamins, at minerals, na pinoproseso ng digestive system at ginagawang enerhiya.
Sa Bible nakasaad: “The life of the flesh is in the blood” (Genesis 9:4)
Sa katawan ng tao, mayroong 30 trillion red blood cells na siyang nagpapakain at nagdadala ng sustansya sa 60 trillion body cells gaya ng puso, liver, kidney, at brain cells. Ang red cells ay mag taglay ng protein chemical na kilala sa pangalang hemoglobin. Ito ang nagsisilbing behikulo sa pagtra-transport ng oxygen at nagtatanggal din ng carbon dioxide.
Ang hugis bilog. Ang red cells ay lumulutang sa loob ng blood serum (plasma) at sial ay nabubuhay hanggang 120 days. Nakakaikot sila ng 250,000 beses sa loob ng katawan bago sila mamatay. May 8-10 million red blood cells bawat isang segundo ang namamatay at ganon din ang bilang ng cells na humalili.
Ang white blood cells naman ay halos kasing laki din ng red blood cells, Mayroon silang malabutil na anyo at may bilang na 3 hanggang 4 na maitim na kuntil sa loob ng cell. Iba-iba ang kanilang hugis at patuloy silang gumagalaw. Ang normal na dugo ay may taglay na 700-1000 red cells sa bawat white blood cell. Ito ay nabubuhay ng mula ilang araw hanggang isa o dalawang linggo. Sa bawat isang segundo ang bone marrow at limphatic tissue ay gumagawa ng 1 million red blood cells.
Nobenta porsyento (90%) ng blood serum, (plasma) ay tubig. At sampung porsyento (10%) naman ng blood serum ay may taglay na nutrients, glucose, vitamins at cell waste. Ang normal na tao ay may taglay 5-6 na litro ng dugo sa katawan. Ang arteries anman ay sialng naglalabas ng dugo sa puso, Ang veins naman ang nagpapasok ng dugo sa puso.
“An average person has 100, 000 kilometers of blood vessel. Laid end to end they would circle the earth two and half times”.
Maaring makita sa dugo ang kakulangan ng vitamins at nutrients sa katawan. Ito ay naisasagawa sa paggamit ng Live Blood Analysis kung saan napapalaki ng 1500 na beses ang mga anyo at kaikulangan ng dugo. Sa paggamit ng Microscpe, ang isang patak ng dugo na galing sa daliri ay maaaring magpahiwatig ng mga sakit ng tao.
Bukod dito maari din mamalas ang kakulangan ng irons, proteins, vitamin b12, folic acid, fatty acid, undesirable bacterial fungal life, yeast at parasites.
Ang sino mang nakakaramdam ng pagkahilo at kahinaan ng katawan marahil may sakit kang anemia. Ibig sabihin nito kulang na red blood cells na hindi nagdidikit-dikit at nagkukumpol-kumpol. Ang dikit-dikit na red cells ay hindi nakkapagdala ng sapat n oxygen at nutrient sa katawan. Bukod dito di rin sila nakapaglalabas ng toxic waste at gases. Bago ka tuluyang tamaan ng sakit, ipapakita ng iyong dugo kung kailan ito tatama sa iyo. Gaya ng stroke, maari mo itong masilip sa dugo sa pagitan ng dalawa o walang taon bago tumama ito.
Kaya nga, ang lakas ng kalamnan ay depende sa malusog na dugo.
Hango sa medical research ni Dr. W. Martin sa librong Medical Crisis. “ Secrets your doctor wont share with”.
- by John Edward Bautista,C.N.M, N.P